-- Advertisements --
Canada basura

Tiniyak ng bansang Canada na nananatili sila sa pangakong makikipagtulungan sa Pilipinas para maibalik sa kanilang bansa ang 50 container vans ng basura na ipinadala dito ng pribadong kompaniya.

Nabatid na limang taon na rito ang naturang mga toxic waste, kung saan ilan sa laman ay mga ginamit nang diapers, karayom para sa injection at iba pang hospital materials.

Ayon sa Canadian Embassy, pinagsisikapan naman nilang maresolba ang problema sa pamamagitan ng paghahanap ng options para maisauli ang mga iyo sa pinanggalingan.

“Canada is strongly committed to collaborating with the Government of the Philippines to resolve this issue,” saad ng pahayag mula sa Canadian Embassy.

Matatandaang dati nang nangako si Canadian Prime Minister Justin Trudeau na reresolbahin ang isyu noong dumalo siya sa ASEAN Summit.

Canadian Prime Minister Justin Trudeau

Pero wala namang naging pahayag ang embahada sa banta ni Pangulong Duterte na giyera dahil sa nasabing mga basura.

Maging sa international media kasi ay bumandera rin ang mga salitang ito ng chief executive.