-- Advertisements --

Tiniyak ng Canada na sila ay gaganti sa pagpatupad ni US President Donald Trump ng taripa sa kanilang mga produkto.

Sinabi ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau, na handa nilang tapatan ang taripa na ipinatupad ni Trump.

Una kasing inanunsiyo ni Trump na magpapataw ito ng 25% import tax sa lahat ng mga steel at aluminum products na pumapasok sa US.

Magiging epektibo ang nasabing 25 percent na taripa sa Marso 12.

Pangunahing supplier kasi ng bakal at aluminum ang Canada sa US.

Dagdag pa ni Trudeau na ang nasabing pagpataw ng US ng panibagong taripa ay hindi makatarungan.

Sa ngayon ay pinag-aaralan nila kung magkano ang taripa na kanilang ipapataw din sa US.