-- Advertisements --

Kinumpirma ng Palasyo na pinagbawalan muna ang mga government officials na bumiyahe patungo sa Canada.

Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, ito’y dahil pa rin sa pagkaantala ng pagbalik sa Canada ng kanilang mga basura.

“We confirm that Executive Secretary Salvador C. Medialdea issued a memorandum dated 20 May 2019, directing all department secretaries and heads of agencies, government-owned and controlled corporations and government financial institutions to refrain from issuing travel authorities for official trips to Canada,” ani Panelo.

Dagdag pa ni Panelo na inabisuhan din ang mga pinuno ng bawat ahensya ng gobyerno na bawasan ang kanilang official interaction sa Canadian government.

canada trash 1

Una nang iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paghahanap ng private shipping company na magdadala sa tone-toneladang basura sa loob ng teritoryo ng Canada.

Kung hindi raw tatanggapin ng Canada ang mga basura, iiwan ito sa kanilang karagatan o 12 nautical miles mula sa baseline ng alinman sa kanilang baybayin.

Sasagutin ng gobyerno ng Pilipinas ang gagastusin sa nasabing shipment.