Umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa Canada ang mga rebelasyon ni ex-attorney general Joyd Wilson-Raybould dahil sa umano’y pagkakasangkot ni Canada’s Prime Minister Justin Trudeau sa isang political scandal.
Ayon kay Raybould, ilang buwan siyang kinumbinsi ni Trudeau at ng kanyang mga opisyal na kung itutuloy nito ang trial laban sa SNC-Lavalin, isa sa pinakamalaking Quebec engineering firm sa mundo ay maaaring mawalan ng trabaho ang ilang Canadian at maapektuhan ang kanilang pagboto.
Sinabi ng ilang eksperto, ang mga impormasyong inilabas ni Raybould ay maaaring makaapekto kay Trudeau sa gaganaping general election sa Oktubre.
Samantala, dahil sa political scandal na ito ay nagpahayag ang ilan na mas mabuting magbitiw na lamang si Trudeau sa kanyang pwesto.