-- Advertisements --

ILOILO CITY-Pinuri ni Canadian Ambassador to the Philippines His Excellency Peter MacArthur ang mabilis na pag-unlad ng lungsod at lalawigan ng Iloilo.

Sa kanyang official visit, bumilib ang ambassador sa kalidad ng mga Ilonggo graduates sa ibat ibang kolehiyo at unibersidad.

Ayon kay MacArthur, isa ito sa mga dahilan kung bakit dito nag-invest ang Canadian BPO Company na Telus International dahil sa galing ng mga Ilonggo graduates.

Pinuri din ng ambassador ang green public spaces at ang pagpapaganda pa ng mga plazas sa lungsod ganon din ang mga programa para sa micro, small at medium enterprises at food security.

Napag-alaman na nagcourtesy call si MacArthur sa opisina nina Iloilo Gov. Arthur Defensor Jr. at Iloilo City Mayor Jerry TreƱas.

Ito ay ang pinakaunang official visit ng ambassador sa Iloilo.