-- Advertisements --

May inihanda ng evacuatioin plan ang Canadian military para makalabas ng Lebanon ang mahigit 20,000 na mamamayan nila.

Kasunod ito sa patuloy na tensiyon na nagaganap sa pagitang ng Israel at Lebanon.

Sinabi ni General Wayne Eyre, ang chief ng defense staff na humingi na sila sa kanilang kaalyadong bansa ukol sa nasabing plano.

Una ng binalaan ni Canadian Foreign Affairs Minister Melanie Joly ang mga mamamayan nila na lisanin ang Lebanon.

Magugunitang ilang bansa na rin ang nagpalikas ng kanilang mga mamamyan na nasa Lebanon dahil sa kinakatakutang labanan.