-- Advertisements --

Masayang inanunsiyo ni Canadian model Winnie Harlow ang kaniyang engagement kay NBA star Kyle Kuzma.

Sa social media account nito ay ibinahagi niya ang larawan nilang dalawa na mayroong suot itong engagement ring.

Ni-repost namanni Milwaukee Bucks player ang social media post ng model.

Ginanap ang proposal sa Turks at Caicos kung saan sila ay nagbakasyon.

Si Harlow o Chantelle Brown-Young sa totoong buhay ay nadiagnosed ng vitligo isang uri ng kakaibang kulay ng balat sa edad pa lamang nitong apat.

Sumikat ang modelo sa pagsali America’s Next Top Model noong 2014.

Bumuhos naman ng pagbati sa dalawa matapos na mabalitaan ang nasabing engagement ng dalawa.