-- Advertisements --

Balak ngayon ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau na magpatupad ng mahigpit na gun control.

Kasunod ito sa nangyaring madugong pamamaril sa Nova Scotia na ikinasawi ng 18 katao.

Dagdag pa nito na mula pa noong halalan ay ipinaglalaban na niya ang pagkakaroon ng mahigpit na gun control.

Ilan sa nais niyang ipagbawal ay yung mga assault-style weapons at magkakaroon ng buyback program sa mga nakabili ng mga military type na armas.

Magugunitang pinagbabaril ng 51-anyos na lalaki ang 18 katao kabilang isang police constable, isang correction officer, nurse at teacher.