-- Advertisements --

Ipinagpatuloy ni Canadian Prime Minister Mark Carney ang kanyang pangangampanya matapos na panandalian itong huminto— matapos ang nangyaring pag-araro ng sasakyan sa isang Pinoy street festival sa Vancouver, Canada na ikinasawi ng hindi bababa sa 11 katao. 

Kahapon, araw ng linggo ang huling araw ng kampanya bago ang halalan sa Canada na gaganapin ngayong Lunes. 

Sa kabilang ng trahendya na nangyari malapit sa East 41st Avenue at Fraser Street, sa Vancouver, nagbigay ng huling mensahe si Carney at Conservative leader Pierre Poilievre sa mga botante. 

Nangako si Poilievre na babawasan ang gastusin sa foreign aid at aalisin ang federal sales tax sa mga kotse na gawa sa Canada basta’t nananatili ang mga taripa ng U.S.

Nakikipagkita naman si Carney sa mga tagasuporta sa Saskatchewan noong Linggo matapos ipahayag noong nakaraang araw sa Ontario na siya ang pinakamainam na kandidato upang gabayan ang Canada sa isang krisis na dulot ng mga taripa ni Trump.