-- Advertisements --

Naging mainit ang ginawang pagtanggap ni King Charles kay Canadian Prime Minister Mark Carney.

Ito ang unang kauna-unahang pagbisita ni Carney sa labas ng bansa mula ng maupo bilang bagong Prime Minister matapos ang pagbibitiw ni Prime Minister Justin Trudeau.

Tiniyak ni King Charles ang tulong na ibibigay nila sa Canada lalo na at nahaharap ito ng banta mula sa US.

Dagdag pa ni King Charles na noong nakaraang taon sana ay nakadalaw na ito sa Canada subalit siya ay na-diagnosed na may cancer.

Magugunitang nagkaroon ng trade war ang US at Canada kung saan pinatawan ni US President Donald Trump ng mataas na taripa ang mga produkto ng Canada.