-- Advertisements --
canada PM justin trudeau
Canadian Prime Minister Justin Trudeau

Labis umano ang pag-aalala ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau dahil sa mas lalong lumalalang karahasan sa Hong Kong.

Ito na ang ika-sampung linggo na pangangalampag ng mga raliyista sa kanilang gobyerno upang tuluyan nang ibasura ang extradition bill sa naturang rehiyon.

Tinawag din ni Trudeau ang pansin ng mga Chinese authorities at sinabi nito na dapat daw ay pakinggan nila ang hinaing ng mga raliyista.

“We need to see the local authorities listen to the very serious concerns brought forward by Chinese citizens and their concerns around the decisions that the local authorities in Beijing have taken,” aniya.

Dahil sa malawakang kilos-protesta ay naglabas ang Canadian government ng travel advisory sa kanilang mamamayan na mag-doble ingat sa pagbisita ng mga ito sa lungsod.

Sa panayam naman ng Bombo Radyo sa spokesperson ng Philippine airlines na Ms Cielo Villaluna, isang biyahe lamang ang nakansela sa kanila ngayong araw mula sa limang biyahe nito kada araw. Mas malalaking eroplano rin ng PAL ang kanilang ginamit nang sa gayon ay ma-accomodate ang mga na-stranded na pasahero nitong nakalipas na araw.

Sa kabilang dako, nakiusap naman ang Director of Corporate Communications ng Cebu Pacific na si Charo Logarta-Lagamon, sa ating mga kababayan na binabalak tumungo ngayon hanggang huwebes sa Hong Kong na sana raw ay ipagpaliban muna habang hindi pa humuhupa ang sitwasyon sa lungsod