-- Advertisements --

Nagpositibo sa COVID-19 si Canadian Prime Minister Justin Trudeau.

Sa kaniyang social media kinumpirma ang pagpositibo nito ng virus kahit na ito ay fully vaccinated na at nagpa-booster na rin.

Wala aniya itong nararamdamang anumang sintomas pero mas minabuti niyang mag-isolate.

Tiniyak naman nito na magtatrabaho pa rin siya kahit na naka-isolate.

Nauna ng inanunsiyo nito noong nakaraang linggo na naka-isolate na siya maging ang miyembro ng pamilya nito matapos umano makasalamuha ang taong nagpositibo sa virus.

Isa ang Canada na mayroong mataas na vaccination rate at patuloy pa rin ang panawagan nito sa mga mamamayan na magpa-bakuna na rin laban sa COVID-19.