-- Advertisements --

Nagpasya si Canadian Prime Minister Justin Trudeau na mag-isolate matapos na makasalamuha ang isang positibo sa COVID-19.

Sinabi nito na kahit na negatibo ang resulta ng kaniyang rapid test ay minabuti niyang mag-isolate ng limang araw na naaayon sa healt rules ng mga bakunadong indibidwal sa Canada.

Wala aniya itong naramdamang sintomas at patuloy itong magtatrabaho kahit naka-isolate sa kaniyang bahay.

Ang 50-anyos na si Trudeau ay nakatanggap ng booster COVID-19 vaccine nitong buwan lamang.