-- Advertisements --
trudeau brownface

Todo hingi ng dispensa si Canadian Prime Minister Justin Trudeau dahil sa maka-ilang ulit niyang pagsusuot ng racis makeup sa iba’t ibang pagdiriwang.

Inamin ni Trudeau na marami ang nasaktan sa kaniyang ginawa. Karamihan din daw kasi ay humaharap sa intolerance at diskriminasyon dahil sa kanilang identity

“Darkening your face is always unacceptable because of the racist history of blackface. I should have understood that then, and I never should have done it.,” saad ng prime minister.

Sa kabila nito, nanindigan si Trudeau na patuloy ang pakikipaglaban ng kaniyang administrasyon para sa social justice, racism at intolerance.

“The fact is I didn’t understand how hurtful this is to people who live with discrimination every day,” dagdag pa nito.

Una nang humingi ng tawad si Trudeau matapos lumabas ang litrato nito na naka “brownface” noong 2001 habang isa pa lamang siyang school teacher.

Paliwanag ng Canadian prime minister ginamit niya umano ang naturang dark makeup noong highschool pa lamang bilang parte ng kanilang talent show kung saan kinanta niya ang traditional Jamaican folk song “Day-O.”