Ipinaabot ngayon ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau ang pagbati sa Pilipinas at mamamayan kaugnay ng ika-121st anniversary of Philippine Independence.
Sa statement na inilabas ng pamahalaan ng Canada binati rin ng lider ang Filipino community na nakabasi sa kanilang bansa.
Ang hakbang ni Trudeau ay sa kabila nang batikos kamakailan ng Pangulong Rodrigo Duterte at ilang opisyal ng Pilipinas sa naging makupad na pag-aksiyon sa mga basura.
Kung maaalala nitong nakalipas na linggo ay kinarga na ng barko na inarkila ng Canadian government ang nakatingga na mga containers ng trash sa Subic, Zambales.
Sa kabila nito, inungkat naman ni Trudeau ang malalim na relasyon ng dalawang bansa.
“Today, we join the Filipino community in Canada and around the world to celebrate the 121st anniversary of Philippine Independence. Cultural bonds – built through many generations of people-to-people ties – are the foundation of the relationship between Canada and the Philippines. Today, more than 837,000 Canadians of Filipino origin call Canada home. Canada looks forward to continuing to work with the Philippines to deepen this relationship.”
Kasabay nito ang kanyang pagkilala sa kontribusyon ng mga Pinoy sa kaunlaran ng Canada.
Tinukoy din ng Prime Minister na umaabot na raw sa 837,000 na Canadians na merong Filipino origin ang namamalagi bilang tahanan ang kanilang bansa.
“Today, I invite all Canadians to celebrate the important contributions that members of the Canadian-Filipino community have made – and continue to make – to our country. I also extend my best wishes to all those celebrating Philippine Independence Day, here in Canada and around the world. “Maligayang Araw ng Kalayaan! “Mabuhay!â€