-- Advertisements --

Tuluyan ng pinaalis ng mga kapulisan ng Canada ang mga protesters na humaharang sa mga tulay sa pagitan nila ng US.

Halos dalawang linggo kasi ay nagsagawa ng kilos protesta ang mga truckers sa Canada na kinokontra ang ipinapatupad na COVID-19 vaccine certification para makatawid sa border.

Inokopa ng mga protesters ang Ambassador Bridge sa Windsor, Ontario ang tulay na nagdudugtong sa US.

Bagamat nalinis na ng kapulisan ang kalsada ay nananatili pa ring sarado ang tulay.

Ilang mga protesters na rin ang kanilang naaresto na nagmatigas na umalis sa lugar.

Magugunitang idineklara ang state of emergency sa nasabing lugar dahil sa malawakang kilos protesta.