-- Advertisements --

Napiling mag-perform ang pop star na si The Weekend sa half-time show ng Super Bowl sa susunod na taon.

Ayon sa Canadian star, na isang malaking karangalan ang pagkapili sa kaniya na magperform.

Si The Weekend o Abel Tesfaye sa tunay na buhay ay mayroong 45 platinum at singles.

Nakakuha na ang 30-anyos g tatlong Grammy Awards kabilang ang best urban contemporary album para sa 2016 na Beauty Behind The Madness at Starboy na album niya noong 2018.

Magugunitang nitong 2020 ay napiling nagperform sina Jennifer Lopez at Shakira sa halftime show na nakalikom ng 104 million katao.