Mistula umanong gahibla lamang ang panalo ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau sa katatapos lamang na halalan.
Ito na ang ikatlong beses na panalo ni Trudeau sa federal election.
Bagamat nanalo nang bahagyang kalamangan ang Liberal Party ni Trudeau, nabigo namang makuha ng partido ang majority votes.
Sinasabing makukuha ng mga kaalyado ni Trudeau sa parliyamento ang 156 seats na kinapos sa kabuuang 170 na mga puwesto para sana sa majority.
Kaugnay nito, agad nang nagdeklara si Trudeau ng panalo kahit meron pang bibilangin na mga boto.
Naganap ang halalan sa Canada habang nasa kasagsagan ng fourth wave ng pandemic kaya tinagurian tuloy itong most expensive sa kanilang kasaysayan na gumastos ng $47 million.
Ang katatapos lamang na snap elections ay ikalawang halalan na sa loob lamang ng dalawang taon na target sana ng prime minister na magkaroon ng majority government.
“There are still votes to be counted but what we’ve seen tonight is millions of Canadians have chosen a progressive plan,” ani Trudeau sa mga supporters sa Montreal. “You elected a government that will fight for you and deliver for you.”