-- Advertisements --

Iniatras na ni Canadian rapper Drake ang kaniyang nominasyon sa sa Grammy Awards.

Mayroon kasi itong dalawang nominasyon na ito ay ang best rap album na “Certified Lover Boy” at best rap performance para sa kanta nitong “Way 2 Sexy”.

Desisyon umano ito ng rapper at ang kaniyang management subalit hindi na sila nagbigay ng anumang rason.

Nirerespeto naman ng organizer ng Grammy ang naging hakbang na ito ng rapper.

Noong nakaraan taon kasi ay binatikos ng rapper ang Grammy dahil sa pagtanggal sa kapwa Canadian na si The Weeknd mula sa listahan ng nominasyon at noong 2019 ay tumanggi itong magtanghal sa ceremony at binatikos ang show habang ito ay nasa stage.