Grateful ang Multi-Grammy winning Canadian superstar na si Michael Buble’ dahil sa gitna ng pandemic at matapos ang tatlong taon ay mailalabas na nito ang kanyang 11th studio album na Higher, na kinatatampukan ng first single na “I’ll Never Not Love You”, at ang inaabangang duet nito kasama si Willie Nelson at mga kantang sinulat nina Paul McCartney at Bob Dylan.
Sa pahayag ng global superstar sa Asian Media na dinaluhan ng Star FM Baguio, ibinahagi nito ang kanyang nararamdaman na makatrabaho ang mga legendary singers, at excited na rin naman siyang maiparinig sa mga fans ang kanyang mga bagong tracks.
“Willie Nelson was one of my favourite singers and interpreter, and Paul McCartney, to know that someone that I admired so much had trusted me, it was something so special to come with me and produce a song.”
Matatandaan na huling nag concert sa Pilipinas si Buble noong January 31, 2015 sa Pasay para sa kanyang To Be Loved Tour. Samantala, naging matagumpay naman ang kanyang concert tour na “An Evening With Michael Buble'” mula 2019, at magpapatuloy ito sa Europe at South America sa Hulyo.
Nakilala si Buble’ sa mga kantang “Home”, “Haven’t Met You Yet” at Everything”.