Nagpasya ang Grammy nominated singer na si Shawn Mendez na kanselahin ang lahat ng kaniyang mga concerts sa iba’t-ibang bahagi ng mundo.
Sa kaniyang social media account inanunsiyo ng Canadian singer ang kanselasyon ng mga concert tour para tutukan ang kaniyang mental health.
Dagdag pa ng 23-anyos na singer-sonwriter na kinausap niya ang kaniyang team at ilang health professionals bago ang desisyon.
Nalulungkot aniya ito dahil sa sabik na siya na magkaroon ng in-person concerts matapos ang dalawang taon dahil sa pandemiya so ang realidad ay nahihirapan ito sa nasabing kalagayan niya.
Unang kinansela nito ang ilang world tour noong nakaraang taon subalit ngayon ay nagdesisyon na kanselahin lahat ang concert.
Pagtitiyak naman nito na itutuloy ang nasabing concerts kapag naayos na nito ang kaniyang mental health.