-- Advertisements --

Nagbigay ng $2.5 milyon na humanitarian aide ang Canadian singer na si The Weeknd sa mga sibilyang naiipit ng kaguluhan sa Gaza.

Ang nasabing halaga ay may kakayahan na magbigay ng hanggang 4 milyong pagkain.

Bilang siya rin ang United Nations World Food Programme Goodwill Ambassador ay ibinigay ang donasyon sa pamamagitan ng XO Humanitarian Fund.

Dahil sa nasabing donasyon ay mapapakain na nito ang mahigit 173,000 na Palestino sa loob ng dalawang Linggo.

Mula ng maitalaga bilang Goodwill Ambassador noong Oktubre 2021 ang singer o Abel Tesfaye sa tunay na buhay ay personal na nagbigay ng $1.8 milyon ng hunger-relief mission ng World Food Program.

Pinasalamatan naman ni WFP’s Director for the Middle East, North Africa, and Eastern Europe Region, Corinne Fleischer ang singer dahil sa kaniyang mga donasyon.