-- Advertisements --
Bouchard Genie 1
Genie Bouchard/ IG post

Ipinaliwanag ni Canadian tennis star Genie Bouchard ang pagpayag niya sa online dating.

Ayon sa 26-anyos na tennis player, ginawa lamang nito ang online date sa pamamagitan ng Zoom o Skype sa ngalan ng charity.

Dagdag pa nito na dahil sa ngayong panahon ng coronavirus pandemic kung saan hindi makapag-date ng personal ang mga tao ay nararapat lamang na gawin ito online.

Noong nakaraang linggo kasi ay naka-date niya ang komedyanteng si Bob Menery matapos ang ilang beses na hiling nito ng pagnanais na makipagdate sa Canadian tennis player.

Dahil dito ay nag-donate ng $4,000 sa charity ang komedyante.

Si Bouchard ay naging finalist ng Wimbledon noong 2014.