-- Advertisements --

Nagdeklara na ng state of emergency ang Canberra City, Australia dahil sa patuloy na paglaki ng bushfires.

Sinabi ni Chief Minister Andrew Barr na halos 8% na ng total landmass ng buong rehiyon ay nasusunog.

Itinuturing kasi na ito na ang matinding bushfire mula pa noong 2003.

Ang kumbinasyon ng mainit na panahon, mahangin at tagtuyot ang siyang naging sanhi ng matiding sunog.

Ayon naman sa Australian Capital Territory (ACT) na ang desisyon ng pagdeklara ng state of emergency ay base sa predictive mapping of bushfires mula Enero 31 hanggang Pebrero 2.