-- Advertisements --

Nagpahayag ng pagka-alarma ang isang cancer expert sa patuloy na paglaganao ng breast cancer sa Pilipinas sa ginanap na breast cancer forum.

Dahil dito, pinaalalahanan ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ang publiko na ang breast cancer treatment ay kasama sa Z Benefits package na inaalok nito sa kanilang mga miyembro.

Ayon kay PhilHealth acting president at chief executive officer Emmanuel R. Ledesma, Jr. kasama sa Z Benefits package ang coverage para sa paggamot ng low to intermediate risk prostate cancer hanggang P100,000 gayundin ang chemoradiation at primary surgery para sa cervical cancer hanggang P120,000.

Sinabi ni Ledesma malaking pasanin ang cancer kaya malaking ginhawa sa mga miyembro ang nasabing hakbang lalo na sa mga pamilyang nahihirapan sa pagpapagamot sa nasabing sakit.

Ayon sa pinakahuling datos mula sa Global Cancer Observatory, ang kanser sa suso ang pinakakaraniwang uri ng kanser sa Pilipinas na may 27,163 kaso, katumbas ng 17.7% ng lahat ng bagong kaso ng kanser sa parehong kasarian noong 2020 o 31.4% sa mga kababaihang Pilipino.

Ang parehong ulat ay nagpapakita na ang cervical cancer ay pangalawa sa bilang ng nangungunang kanser sa mga kababaihang Pilipino, habang ang kanser sa prostate ay ang pangatlo sa pinakakaraniwang uri ng kanser sa mga lalaking Pilipino.