LAOAG CITY – Patuloy umanong bumabata ang mga nagiging pasyente ng cancer sa bansa.
Ito ang sinabi ni Undersecretary ti Department of Health Enrique Tayag sa pagpunta nila dito sa lalawigan ng Ilocos Norte partikular sa Mariano Marcos Memorial Hospital ang Medical Center sa lungsod ng Batac.
Inihayag ito ni Tayag matapos ang cancer screening ng isang 45-anyos sa nasabing ospital.
Ayon pa kay Tayag, edad 31 hanggang 40 ang mga nagkakaroon ng cancer sa Pilipinas.
Samantala, hinikayat ni Tayag ang publiko na agad sumailalim sa cancer screening kung may ibang nararamdaman dahil ang early detection at prevention ang pinakamagandang paraan para maiwasang magkaroon ng cancer.
Ipinunto rin nito ang kahalagahan ng pagkain ng gulay at prutas at iwasan ang mga bisyo.
Nabatid na may plano rin ang nasabing ospital na mapalawak ang serbisyo para sa mga cancer patients.
Ang buwan ng Pebrero ay ang Cancer Awareness Month at ngayong Marso naman ay ang Colon Cancer Awareness Month.