-- Advertisements --
Nagdaos ng candlelight vigil ang mga residente sa may Vancouver, Canada kasunod ng madugong car ramming attack sa mga taong dumalo sa Filipino festival noong gabi ng Sabado, Abril 26 na kumitil ng 11 katao.
Nagtipun-tipon ang mga residente sa may St. Mary the Virgin Church sa Vancouver nitong gabi ng Linggo, local time.
Bumuhos din ang mga nag-aalay ng bulaklak na iniwan sa pinangyarihan ng krimen mula sa iba’t ibang lugar sa Vancouver para magbigay pugay sa mga biktima ng malagim na trahediya.
Isinagawa din ang vigil para sa mga biktima sa karatig na Kensington Community Centre. Tanging ang mga pamilya at opisyal lamang ang pinapayagang makapasok sa loob ng gusali.