-- Advertisements --


VIGAN CITY – Naniniwala ang isang political analyst na posibleng madehado sa araw ng eleksyon ang mga kandidato na ngayon pa lang ay nahuhuli na sa ilang election offenses.

Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni UP NCPAG (National College of Public Administration and Governance) dean Dr. Maria Fe Mendoza na malaking banta sa pangarap ng ilang kandidato, lalo na yung hindi masyadong kilala ng publiko, ang pagkakasangkot sa paglabag.

May tsansa raw kasi na makaapekto ito sa kanilang tinatakbuhang posisyon.

Sa kabila nito, tiwala ang eksperto na magiging matalino ang mga botante sa darating na halalan at hindi lang basta boboto dahil sa pangalan at pagiging sikat ng ilang tumatakbong personalidad.