-- Advertisements --

Mas mabigat ng isang libra si Mexican superstar Saul Canelo Alvarez kumpara sa American champion na si Caleb Plant matapos ang ginanap na offical weigh-in sa Las Vegas.

Tumimbang ang 31-anyos na si Alvarez sa 168 pounds habang ang 29-anyos na si Plant ay may bigat na 167 pounds.

Makasaysayan ang magaganap na 12-round super middleweight showdown bukas dahil apat na korona ang nakataya.

Nakataya sa laban ang tatlong belt ni Alvarez na WBA, WBC at WBO crown, habang nakapusta rin ang IBF title ng undefeated na si Plant.

Sinuman ang magkampeon ay hihirangin bilang kauna-unahang undisputed champion sa naturang dibisyon.

Sa ikalawang pagkakataon hindi na isinagawa ang tradisyunal na face-off dahil natakot ang mga organizers na baka mauwi na naman sa rambulan ang harapan.