-- Advertisements --
Tuluyan nang binakante ni Saul “Canelo” Alvarez ang mas magaan na 160-pounds WBA “Super” middleweight title.
Ginawa ni Mexican superstar ang hakbang ilang linggo matapos na makuha niya ang fourth divisional title kontra kay Callum Smith.
Sinasabing eksklusibong lalaban na lamang si Alvarez sa super middleweight sa timbang na 168 pounds.
Dahil dito si Ryota Murata ng Japan ang sunod na kikilalanin na hari bilang WBA middleweight champion at maaring sumabak na sa mga title unification bouts.
Una nang hinawakan ni Alvarez (54-1-2, 36KOs) ang WBA crown matapos ang 12-round majority decision laban sa karibal na si Gennadiy Golovkin (41-1-1, 36KOs) noong Sept. 2018 rematch.