-- Advertisements --
Handa umanong labanan ni reigning two-division world champion Saul “Canelo” Alvarez si IBF world middleweight champion Gennady Golovkin sa ikatlong pagkakataon.
Nasambit ito ni Alvarez matapos ang panalo kay Callum Smith noong nakaraang araw para makuha ang WBC at WBA world super middleweight titles.
Unang nagharap sina Alvarez at Golovkin noong 2017 na nagtapos sa draw at noong nakaraang taon ay nagwagi si Alvarez sa pamamagitan ng majority decision.
Naipanalo naman ni Golovkin ang tatlong sunod na laban niya na ang huli ay ng talunin si Kamil Szerementa.
Mayroong record si Alvarez na 54 panalo, isang talo at dalawang draw na mayroong 36 knockouts habang mayroong 41 panalo, isang talo at isang draw na mayroong 36 knockouts.