-- Advertisements --

Hindi pinaporma ni Saul “Canelo” Alvarez si Jermell Charlo matapos na talunin nito sa kanilang paghaharap sa Los Angeles, California.

Nakuha ni Alvarez ang unanimous decision na panalo parea mapanatili ang kaniyang WBO, WBC, WBA at IBF belts.

Siya lamang ang unang boksingero na nagdepensa ng lahat na apat na belt nito sa loob ng tatlong sunod na pagkakataon.

Nagbigay ang isang judge ng 118-109 at ang isa ay 119-108 kung saan sa simula ay naging agresibo na ai Alvarez.

Pinatumba niya si Charlo ng dalawang beses sa ika-pitong round.

Sinabi ni Alvarez na sa una ay nakatutok ito sa pagsuntok sa katawan hanggang binago nito ang kaniyang diskarte.

Mayroon ng 60 panalo dalawang talo at dalawang draw na mayroong 39 knockouts si Alvarez habang si Charlo ay mayroong 35 panalo at dalawang talo na mayroong isang draw at 19 knockouts.