-- Advertisements --

Nakatakdang makaharap ni Mexican superstar Saul “Canelo” Alvarez si WBC Champion Ilunga Junior Makabu.

Ayon kay WBC Board of Governors, pinayagan nila ang hiling ng trainer at manager ni Canelo na si Eddy Reynoso na umakyat na sa 190 pounds para makuha ang ikalimang weight division.

Posibleng gawin ang laban sa darating na Mayo o Hunyo.

Mayroong record si Alvarez na 57 panalo isang talo at dalawang knock outs na ang huling panalo nito ay kay Caleb Plants noong nakaraang mga linggo.

Habang ang Congolese boxer na si Ilunga Junior Makabu ay mayroong record na 28 panalo at dalawang knockouts na huling laban nito ay noong talunin si Olanrejawu Durodola noong Disyembre 2020.