-- Advertisements --

Kumalas na si Canelo Alvarez sa Golden Boy Promotions ni Oscar Dela Hoya.

Ayon sa kaniyang manager na si Eddy Reynoso, na isa ng ‘free agent’ ngayon ang kaniyang alaga dahil sa pag-alis sa boxing promotion ng Mexican legendary boxer.

Magugunitang noong Oktubre 2018 ay pumirma si Alvarez ng $365 million na kontrata sa Golden Boy promotions para sa 11 na laban subalit mula noon ay naging tatlo lamang ang laban nito.

Nagsampa rin ito ng $280 million lawsuit dahil umano sa pinipigilan siya ni Dela Hoya at DAZN na makabalik sa boxing ring at ipagpatuloy ang kaniyang boxing career.

Dagdag pa ng manager nito na inaayos na nila ang susunod na laban ni Alvarez.