Nanindigan si Mexican superstar Saul “Canelo” Alvarez na hindi na umano kailangan pa ang isang trilogy fight kontra kay Gennadiy Golovkin.
Tugon ito ni Canelo matapos magwagi si Golovkin laban kay Sergiy Derevyanchenko sa pamamagitan ng unanimous decision sa naging bakbakan nila nitong Linggo (Manila time).
Ayon kay Canelo, hindi raw kailanman sasapat ang naging tagumpay ni Golovkin kay Derevyanchenko upang magkaroon sila ng rematch.
“I am the fighter to beat, the one everyone wants to face. Since he fought with me, Golovkin, what has he done? He hasn’t done anything,” wika ni Alvarez.
“I’m come back from facing pure world champion [in Jacobs], and now I’m climbing two divisions to fight with someone who is not coming off a loss. [Golovkin] no longer represents any challenge. I beat him, I gave him 24 rounds and he could not [beat me]. What will happen in the third? I’m going to win again, I’ll even knock him out,” dagdag nito.
Matatandaang unang nagharap sila Golovkin at Alvarez noong 2017 kung saan nauwi ito sa kontrobersyal na draw.
Sa muli namang pagtutuos ng dalawa ay nanaig si Canelo sa pamamagitan ng 12-round majority decision.