-- Advertisements --
Humihingi ng pag-apruba ng tatlo hanggang apat na porsyentong pagtaas sa mga presyo ang Canned Sardines Association of the Philippines dahil na rin umano sa pabagu-bagong presyo ng gasolina.
Ayon sa Executive Director ng grupo na si Francisco Buencamino, napakahalaga ng gasolina sa kanilang industriya dahil ang mga de-motor na “bangkas” o mga bangkang ginagamit sa panghuhuli ng isda ay nangangailangan ng gasolina.
Aniya, ang huling inaprubahang pagtaas para sa kanilang mga paninda ay noon pang 2019 o 4 na taon na ang nakararaan.
Dagdag pa dito, ang gas ay ang pinakamalaking gastos sa industriya ng pangingisda.
Iginiit ng grupo na matagal na nilang hinihiling ang pagsasaayos o malakihang adjustment sa presyo ng mga canned sardines.