-- Advertisements --
Hinimok ng isang senatorial candidate at ilang partylist groups ang Commission on Elections (Comelec) na itigil ang canvassing at ipagpaliban ang pagproklama ng mga nanalo para sa national positions.
Sa inihaing urgent motion ng kandidato sa senatorial race na si Leody de Guzman, iginiit nitong hindi dapat magdeklara ng mga panalo ang poll body kung may mga isyu pang hindi nareresolba.
Partikular na tinukoy ni De Guzman ang mga naging problema sa vote counting machines (VCM), pagsasapubliko ng audit log at marami pang iba.
Katuwang nito sa paghahain ng mosyon ang Partido Lakas ng Masa (PLM), Ang Nars, Murang Kuryente at Append partylist groups.