-- Advertisements --

Nakatakda ngayong siyasatin at suriin ng  Department of National Defense ang mga Capability requirements ng mga scout rangers.

Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., layunin nitong suportahan ang pagpapaunlad sa defense systems ng Pilipinas.

Sa naging paggunita sa 73rd Anniversary ng  First Scout Ranger Regiment, kinilala ng punong ehekutibo ang pangunahing papel ng naturang unit sa pagharap sa mga banta sa panloob na seguridad.

Dagdag pa ng Pangulo na ito ay mahalaga upang lalo pang mapalakas ang panlabas na depensa ng bansa.

Makatutulong rin aniya ang mga scout ranger sa pagpapalaki ng bilang ng mga  unipormadong hanayng bansa.

Samantala, binigyang diin rin ni pangulong Marcos Jr. ang pangangailangang tugunan ang kapayapaan sa Pilipinas.

Giit ng pangulo,na ang amnestiya na ipinagkaloob sa mga kasalukuyan at dating miyembro ng mga rebeldeng grupo ay nangangahulugan ng mga hakbang tungo sa national healing.