Pumayag na ang lokal na pamahalaan ng Capas, Tarlac sa pag-quarantine ng mga darating na manggagawang Pinoy sa bansa mula Wuhan, China.
Ito’y ilang oras matapos na magbanta ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga opisyal ng Capas na aalma sa isasagawang quarantine measures sa New Clark City sa Capas.
Pero nilinaw ni Capas acting Mayor Butch Rodriguez, sa unang batch lamang ng mga Pinoy workers ang kanilang pagpayag sa akomodasyon.
Kasabay nito, hiniling ng mga Capas officials ang mga face mask at alcohol para ipamahagi sa mga naninirahan malapit sa New Clark City dahil open-air ang pasilidad sa lugar.
Bago ito, nagbabala si DILG Usec. Epimaco Densing III sa lokal na pamahalaan na tatanggi ang mga darating na mga Pinoy galing China na isasailalim sa quarantine sa Athletes’ Village sa New Clark City.
“Ang sinumang mga lokal na opisyales na haharang sa kautusan ng ating Pangulong (Rodrigo) Duterte ay papatawan ng sanctions at may kaakibat po ‘yan na administrative, baka may criminal side pa ‘yan,” wika ni Densing sa isang panayam.
Giit din ng opisyal, walang dapat na ikatakot ang mga mamamayan ng Capas kung gagamiting quarantine zone ng mga Pinoy na galing Hubei ang New Clark City dahil wala naman itong mga sakit.