-- Advertisements --

Nasa apat na pagsabog ang tumama sa capital city ng ng Ukraine na Kyiv.

Itinuturong dahilan ng mga pagsabog na ito ang “kamikaze drones” na ipinadala ng Russia.

Ayon kay Andriy Yermak, head ng staff ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky, nagpapakita aniya ito ng desperasyon ng Russia.

Iniulat naman ni Mayor Vitalii Klitschko na isang residential buildings ang napinsala sa central Shevchenkivskiy area.

Ayon pa sa opisyal na tinarget din ng Kamikaze drones ang port city ng Ukraine na Mykolaiv nitong linggo lamang.

Nasa tatlong drones naman ang nasunog sa tangke ng sunflower oil ilang oras matapos ang pag-atake sa Kyiv.

Isang linggo ang nakalipas, tumama sa Kyiv ang Russian missiles sa kasagsagan ng rush hour na nag-iwan ng 19 kataong nasawi.

Ang Kamikaze drones ay isang maliit na aerial weapons na kilala din bilang loitering munitions na nasisira matapos matamaan ang target. Hindi tulad ng ibang drones, ang kamikaze drones ay disposable.

Ang salitang Kamikaze ay hango sa Japanese pilots na nagboluntaryo na pasabugin ang kanilang eroplano sa isang suicide mission noong World War II.