Naka-full alert ang capitol police dahil sa inaasahang pagsagawa ng kilos protesta sa Washington D.C ng mga supporters ni dating US President Donald Trump.
Inaasahan kasi ang pagdalo ng mga far-right demonstrator sa Washington para sa “Justice For J6” rally bilang suporta sa mga naarestong mahigit 600 katao na kabilang sa lumusob sa capitol noong Enero 6 para pigilan ang pagkapanalo sa halalan ni US President Joe Biden.
Bilang paghahanda ay binakuran nila ang Capitol para walang makapasok.
Sinabi ni US Secretary of Defense Lloyd Austin na mayroong 100 National Guard ang kanilang inilagay bilang standby forces para tulungan ang mga kapulisan ng Capitol.
Armado lamang ng baton ang mga sundalo at sila ay gagamitin lamang kapag hindi na nakanayan ng mga nakatalagang police sa lugar.
Ayon naman kay U.S. Capitol Police Chief J. Thomas Manger na pinaghandaan nila ang posibleng sagupaan ng mga kapulisan at mga protesters.
Ang nasabing rally ay naiplano ni Matt Braynard ang namumuno ng Look Ahead America at dating campaign staffer ni Trump.
Layon aniya ng kilos protesta ay para mapalawig ang kaalaman ng marami sa nangyaring paglabag sa civil rights ng ilang daang mamamayan nilang naaresto.