ROXAS CITY – Inihayag ni Capiz board member Jonathan Besa na ginawa lamang nila ang kanilang trabaho matapos mapabilang sa pitong elected officials na inireklamo ni Capiz Governor Esteban Evan Contreras sa Office of the President.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay board member Besa, sinabi nito na hindi naging pabor ang desisyon Regional Development Council (RDC) sa executive department, dahilan na iniakyat ng gobernador ang isyu sa malakanyang.
Matandaang nagpadala ng sulat ang gobernador sa tanggapan ng pangulo sa kadahilanang hindi inaprubahan ng mga inerereklamong mga board members ang supplemental budget ng Roxas Memorial Provincial Hospital, epekto ng walang sahod sa huling dalawang buwan ng 2021 ang mga doctors at nurses at ibang staff at medical frontliners.
Sinabi din ni Besa na mas maiging imbestigahan nga Office of the President ang nasabing reklamo dahil may mga dokumento silang ipapakita na nagpapatunay na tinalakay ng mga ito ang hinihiling na pondo.
Dagdag pa nito, na dokumento lang sana ang hinahanap ng kanilang departamento para mapatunayan na walang ghost employees na tinanggap ang executive department, ngunit nabigo ang ospital na magpapunta sa kanilang staff sa isinagawang headcount ng board members.