-- Advertisements --

BOMBO ROXAS – Pansamantalang ipinagpaliban ng Capiz Provincial Capitol ang kanilang opisina simula ngayong araw ng Martes, Agosto 18.

Kasunod ito ng pagpositibo sa rapid test ng dalawang empleyado ng Provincial Governor’s Office.

Capiz provincial capitol

Ito ang kinumpirma mismo ni Provincial Administrator Edwin Chinel Monares sa pamamagitan ng pag-post sa kanyang Facebook account ng public statement ni Capiz Governor Esteban Evan Nonoy Contreras.

Ayon kay Monares, magsasagawa ng disinfection sa buong kapitolyo.

Sa ngayon ang dalawang empleyado ay isinailalim na sa quarantine at inabisuhan naman ang mga na-expose na mga empleyado na magsailalim sa isolation habang hinihintay pa ang resulta ng RT-PCR test ng dalawang naturang kawani

.