-- Advertisements --

ROXAS CITY – Wala nang coronavirus disease (COVID-19) active cases sa lalawigan ng Capiz.

Ito’y matapos makalabas na sa ospital sa Iloilo City ang pinakahuling COVID-19 patient sa lalawigan.

Kasunod ito ng pagkumpirma mismo ng The Medical City-Iloilo na na-discharge na sa ospital ang 25-anyos na COVID-19 patient na residente ng lungsod ng Roxas.

Nabatid na ang naturang pasyente ang pinakahuling COVID-19 patient na naitala sa probinsya.

Matatandaang naka-record ang lalawigan ng limang COVID-19 cases kung saan ang dalawa rito ay namatay at tatlo naman ang gumaling sa naturang sakit.