-- Advertisements --
Screenshot 2020 08 29 13 35 53

ROXAS CITY – Naghain ng Show Cause Order si Capiz Governor Esteban Evan Nonoy Contreras laban kay Roxas City Mayor Ronnie Dadivas matapos na pigilan nito ang pag-uwi ng barko sa lalawigan kung saan sakay ang mga Locally Stranded Individuals mula sa Batangas, Port.

Nasaad sa show cause order ng naturang gobernador na binibigyan lamang nito ng 72 oras si Dadivas upang sagutin ito.

Napag-alaman na pauwi na sana sa lalawigan ang halos 53 na mga LSI’s ngunit hindi ito pinayagan ng naturang alkalde.

Nilinaw ni Contreras na mayroong letter of acceptance ang pag-uwi ng mga LSi’s mula sa kanilang mga LGU’s at National-Inter Agency Task Force (IATF).

Nagbabala naman si Contreras sa oras na hindi makasagot si Dadivas sa loob ng 72 oras ay maghahain ito ng administrative case laban sa naturang alkalde.