ROXAS CITY – Kinumpirma ni Capiz Governor Esteban Evan Contreras na inireklamo nito ang pitong miyembro ng lehislatura dahil sa hindi pagpasa hanggang ngayon sa pondo ng Roxas Memorial Provincial Hospital (RMPH) na pampasweldo sa mga frontliners at procurement ng suplay at gamot.
Ang mga nasabing opisyal ay sina Board Members Jonathan Besa, Enrique Martin, Weldie Apolinario Jr., Thea Faith Reyes, Mateo Hachuela, ex-officio members Mitchelle John Patricio, at Renzo Teves.
Sa interview ng Bombo Radyo kay Gov.Contreras, sinabi nito na kahit umapela na siya sa legislative department na ipapasa ang supplemental budget ng COVID hospital, hindi parin ito pinakinggan ng mga mambabatas sa kadahilanang may mga ‘ghost employees’ na tinanggap si Contreras.
Ngunit mariin ding pinabulaanan ng Gobernador ang nasabing alegasyon, at sinabi na maghain sila ng kaso laban dito.
Ipinunto din ni Contreras na pamulitika ang malalim na rason ng mga opisyal sa ginagawang pang-iipit sa pondo ng nasabing ospital.