-- Advertisements --

ROXAS CITY – Natakdang isailalim sa 14 day quarantine ang lahat ng mga tauhan ng Capiz-Provincial Health Office (PHO) matapos na isang health worker na nagtatrabaho sa nasabing tanggapan ang nagpositibo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Ito ang naging pahayag ni Capiz Governor Esteban Evan Contreras II sa interview ng Bombo Radyo Roxas.

Ayon sa gobernador, maliban sa 14 day quaratine ay isasailim din ang mga ito sa Real-Time Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction Testing (RT-PCR) para masiguro na ligtas ang iba pang mga personnel sa COVID-19.

Hindi rin papayagan ng gobernador ang mga PHO personnel na makauwi kahit matapos na ang kanilang 14-day quarantine hangga’t hindi lumalabas ang result test.

Samantala, isasailalim din sa 14 day quarantine at RT-PCR ang lahat ng mga high risk contacts na nakasalamuha ng naturang health worker.