-- Advertisements --
Capiz town
Capiz map

Niyanig ng magnitude 4.8 na lindol ang probinsya ng Capiz.

Ayon sa Phivolcs, tectonic in origin ang lindol at ito ay naramdaman 8:19 nitong Huwebes ng gabi.

May lalim ito ng 1 kilometer at ang epicenter ay 8 kilometers sa southwest ng bayan ng Dumarao.

Naramdaman naman ang pagyanig sa kalapit na probinsiya.

Dagdag pa ng Phivolcs na walang inaasahang damyos sa mga istraktura dahil sa nasabing pagyanig.