-- Advertisements --

ROXAS CITY – Pinaghahandaan ngayon ng lokal na pamahalaan ng Capiz ang pag-uwi ng halos 200 seafarers sa lalawigan na na-stranded sa Cebu at Metro Manila dahil sa ipinatupad na lockdown bunsod ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Ito ang inihayag mismo ng tagapagsalita ng provincial government na si Atty. Atlas Catalan sa panayam ng Bombo Radyo Roxas.

Aniya sa 200 na seafarers, magmumula sa Cebu City ang 50 habang sa Metro Manila naman ang halos 150 sa mga ito na pawang mga residente ng lalawigan ng Capiz.

Nilinaw ni Catalan na bago makauwi sa kani-kanilang pamilya ay sasailalim sa strict mandatory protocols ang mga ito.

Dadaan ang mga ito sa Iloilo para sa swab testing at sasailalim sa 14 day mandatory quarantine sa ilang paaralan na itinalaga bilang quarantine area sa Capiz.