ROXAS CITY – Labis ang pasasalamat ng isang Capizeña mula sa Barangay Poblacion Sur, Ivisan, Capiz matapos na-promote bilang Staff Sergeant ng US Air Force.
Ayon kay Staff Sergeant Alyssa Mae Diestro na hindi madali ang kanyang mga pinagdaanan sa America bago nakuha ang kanyang pangarap.
Aniya na hindi pumasok sa kanyang isipan noon na maging isang sundalo dahil pangarap niya lamang na maging isang nurse.
Ngunit nang makapagtapos ito ng highschool sa lalawigan ay dinala ito ng kanyang pamilya sa America kung saan pinagpatuloy nito ang kanyang pag-aaral hangga’t nadiskubre nito na gusto niya maging US military Air Force.
Aminado ito na hindi naging madali ang kanilang buhay sa America dahil ipinagsasabay nito ang pag-aaral at pagtatrabaho sa isang restaurant upang makabayad lamang ng tuition.
Maliban dito, hindi pa natapos ang kanyang problema dahil habang isa na itong ganap na US military Air Force ay tinubuan naman ito nang bukol sa kili-kili hangga’t nagkaimpeksyon at nahulog sa Breast Cancer at sumailalim sa ilang operasyon.
Ngunit hindi naging hadlang ang kanyang sakit sa pagtupad sa kanyang pangarap dahil habang nagpapagaling ito ay patuloy pa rin ang kanyang pagtatrabaho bilang US military air force.